Paglobo ng bilang ng mga Deputy Speakers, ipinagtanggol ng isang kongresista

Dumipensa si Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa paglobo ng bilang ng mga Deputy Speakers sa Mababang Kapulungan.

Ito ay matapos maitalaga bilang Deputy Speakers ang 9 na mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco kung saan umakyat na sa 29 ang kabuuang bilang ng mga Deputy Speakers sa Kamara na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng Kongreso.

Naniniwala si Rodriguez na ang pagdadagdag ng Deputy Speakers ay isang tamang hakbang ng Kamara para masiguro ang pantay na representasyon ng lahat ng rehiyon at political parties sa bansa.


Aniya pa, ang Manila na lamang palagi ang imperial ng Deputy Speakers kaya naisip ni Velasco na mahalaga ring tiyakin na may kinatawan ang 16 na rehiyon sa bansa.

Batay aniya sa naging pangako ng Speaker, tinitiyak nito sa ilalim ng kanyang liderato na mapapabilang at magkakaisa ang lahat ng mambabatas kung saan magiging tunay na kinatawan ng taumbayan ang kapulungan.

Facebook Comments