Paglobo ng COVID-19 cases sa Eastern Visayas, isinisisi sa mass gatherings

Isinisisi ng Department of Health – Eastern Visayas ang paglobo ng COVID-19 cases sa rehiyon dahil sa mga isinagawang mass gatherings.

Ayon kay Dr. Exuperia Sabalberino, OIC Regional Director ng DOH – Eastern Visayas Center for Health and Development, ito kasi ang lumabas nang magsagawa sila ng contact tracing sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Patuloy rin aniya ang pagtaas ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo at kahapon lamang ay naitala nila ang record-high na 572 bagong kaso.


Kasunod nito, muling nanawagan si Sabalberino sa publiko na huwag munang magsagawa ng mga pagtitipon kagaya ng birthday parties.

Facebook Comments