Nababahala ang OCTA Research Group sa mga naoobsebahang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang pagtaas ng kaso ay nangangahulugang hindi pa stable ang case trend sa Kamaynilaan.
Aniya, nakikitaan ng pagpatag ng COVID-19 trend sa Metro Manila matapos ang ilang linggong pagbaba ng mga kaso.
Pero sinabi ni David na ang average daily COVID-19 cases sa Metro Manila ay nasa 1,100 cases, mababa kumpara sa 8,000 kaso sa nangyaring surge noong Marso at Abril.
Sa huling monitoring ng OCTA ang Quezon City ang nananatiling nangunguna sa listahan ng mga LGUs sa bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.
Panawagan ng OCTA sa pamahalaan, iprayoridad ang pagbabakuna sa NCR plus 8 areas, na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, Batangas, Metro Cebu at Metro Davao.