Posibleng lumobo ng 2 milyon ang populasyon ng bansa kada taon.
Ayon kay POPCOM NCR Director Dr. Lydio Español Jr., tatlong sanggol kada minuto ang ipinapanganak sa Pilipinas o kung susumahin ay mahigit 1.5 milyon kada taon.
Pero kung hindi ito magbabago, nasa 2 milyon kada taon ang itataas ng bilang ng populasyon.
Dahil rin dito aniya ay mas mataas ang tsansang dumanas ng kahirapan ang pamilya habang lumolobo ang bilang nito.
Aminado naman si Español na marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi naipapatupad ang family planning.
Facebook Comments