Paglobo ng Populasyon sa Didipio dahilan ng Kawalan ng Suplay ng Tubig

*Cauayan City, Isabela- *Inamin ng grupong nangangalaga sa kalikasan ang isyu ng kawalan ng tubig mula sa mga bukal ng bundok nang magsimula ang pagmimina sa tinaguriang malaking kumpanya na Oceana Gold Philippines sa Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Environmental Manager Jayson Magdaong, ilan sa dahilan ng kawalan ng tubig sa ilang lugar sa nasabing barangay ng Didipio ay dahil sa pagdami ng populasyon na umabot na mahigit apat na libong katao.

Iginiit nito na ang kinukuhanang suplay ng tubig ng mga residente sa lugar ay ang ‘Surface Water’ o Creek na maswerte namang nagagamit ng mga kalapit na residente kung kaya’t para sa iba ay kakaunti nalang ang kanilang napapakinabangan.


Dagdag pa nito na simula ng makaranas ng kawalan ng tubig ay agad naman itong inaksyunan ng Mind Rehabilitation Committee sa na binubuo ng dalawang Gobernador ng Nueva Vizcaya at Quirino at napag alaman nga na ang kawalan ng tubig ay hindi dahil sa ginagawang pagmimina ng kumpanya.

Ayon naman sa naging pag aaral ng mga siyentista mula sa Quirino at Nueva Vizcaya State University na ang tubig na nagmumula sa Dinayuan River na sakop ng minahan ay maituturing na ‘Class B’ o mas malinis kumpara sa Didipio River dahil taun-taon ay nagsasagawa ng inspeksyon ang mga ito.

Facebook Comments