Paglobo ng utang ng Pilipinas sa P12.09 trillion, dinepensahan ni Pangulong Duterte

Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang outstanding debt ng bansa na umaabot na ngayon sa P12.09 trillion.

Sa naging talumpati ng pangulo sa isinagawang pagpupulong NTF-ELCAC sa Lapu-Lapu City sa Cebu ay ipinaliwanag nito na kailangan ng gobyerno ng pera upang ipangtustos sa mga malalaking proyekto ng administrasyon.

Dagdag pa ni Duterte, walang mali ang mangutang basta ito ay para sa ikabubuti sa bansa at wala itong bahid ng korapsyon.


Paliwanag pa ng punong ehekutibo, walang gobyerno sa mundo ang hindi nangungutang.

Base sa huling datos ng Bureau of Treasury, nadagdagan ng 0.5 percent o katumbas ng P63.828 bilyon ang utang ng Pilipinas na P12.029 trilyon noong Enero dahilan para umakyat sa P12.09 trillion ang outstanding debt ng bansa noong Pebrero.

Paliwanag naman ng Bureau of Treasury, bunsod ito ng pagbabago sa exchange rates at net financing mula sa lokal at international sources.

Facebook Comments