Dumipensa ang Department of Budget and Management (DBM) sa P12.7 trilyong utang ng bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DBM acting Secretary Tina Rose Canda na hindi dapat katakutan ang pag-utang kung may mabigat na dahilan para dito.
Ayon kay Canda, ginamit ang inutang na pera para sa COVID-19 response.
Paliwanag ni Canda, sa nakalipas ng 2 taon na tinamaan ng pandemya ang bansa at hindi natin alam ang gagawin kung saan walang isolation at quarantine facilities, kulang ang mga hospital bed, walang bakuna, marami ang nawalan ng trabaho dahil nag-lockdown, maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napilitang umuwi kaya tinustusan ang kanilang quarantine, testing, pagkain at transportasyon at namigay rin ng ayuda ang gobyerno.
Giit nito, hindi naman pupwedeng isakripisyo ang kapakanan, kaligtasan at buhay ng mga kababayan natin dahil ayaw mangutang ng pamahalaan.