Monday, February 2, 2026

Paglubog ng M/V Trisha Kirsten 3 sa karagatang sakop ng Basilan, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Isinulong ng Akbayan Party-list na maimbestigahan ng Kamara ang paglubog ng M/V Trisha Kirsten 3 sa karagatang sakop ng Basilan kung saan mahigit 40 na ang naitatalang nasawi.

Sa inihaing House Resolution 713, ay kinukuwestyon nina Akbayan Representatives Dadah Kiram Ismula, Chel Diokno, Perci Cendaña at Dinagat Islands Representative Kaka Bag-ao kung paano nakalusot sa Maritime Industry Authority o MARINA ang naturang barko ng Aleson Shipping Lines.

Kanilang ipinunto kung paano nakakalayag ang mga barkong ito kung may mga seryosong pagkukulang sa kaligtasan ng fleet ng Aleson Shipping Lines matapos na masangkot din sa trahedya ang dalawa pa nitong mga barko sa mga nagdaang taon.

Para sa mga mambabataas may pananagutan din ang mga opisyal na pumipirma sa mga permit at nagpapalusot sa mga barkong hindi pala ligtas.

Binigyang-diin sa resolusyon na trabaho ng gobyerno na siguraduhing ligtas ang bawat biyahero sa karagatan.

Layunin ng imbestigasyon ng Kamara na mapakakas ang maritime safety laws at mapa-ibayo ang pananagutan para hindi na maulit ang mga ganitong trahedya sa hinaharap.

Facebook Comments