Mismong sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inilunsad na bagong tourism campaign slogan ng Department of Tourism (DOT) kagabi sa Manila Hotel.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang nang ika-50 anibersaryo ng DOT.
Sa talumpati ng pangulo sa nasabing event, sinabi nitong committed ang kanyang administrasyon sa pagpapaangat ng sektor ng turismo.
Ito ay para mas dumami ang economic activities at magkaroon nang mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Ayon sa pangulo ang ganitong hangarin ay patunay nang pagmamahal sa Pilipinas.
Kaya aniya sakto ito sa bagong tourism campaign slogan na “LOVE the Philippines.
Ang slogan na ito ayon sa pangulo ay magsisilbing gabay ng industriya ng turismo para sa patuloy na pag-unlad.
Ang bagong slogan na ito ng DOT ay bahagi ng National Tourism Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028.