Paglulunsad ng National Children’s Vaccination Day, itinutulak ng mga health expert

Hinimok ng mga health expert ang pamahalaan na magsagawa ng National Children’s COVID-19 Vaccination Day.

Ito ay upang mapabilis ang pagbabakuna sa mga bata sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng mas nakahahawang Omicron variant.

Sa isang webinar na inilunsad ng mga health expert kahapon, sinabi ni Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Benny Atienza na mahalagang magkaroon ng National Children’s Vaccination para mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.


Giit naman ni Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo, “all-out vaccination” lamang ang tanging daan para matapos ang pandemya sa bansa.

Samantala, tuloy na tuloy na sa Pebrero 4 ang soft launch ng pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa na isasalang nila sa training ang mga vaccinator para sa tamang pagtuturok sa naturang age group.

Maging ang mga magulang ay sasanayin rin hinggil sa tamang pagpapaliwanag sa kanilang mga anak kung bakit sila dapat mabakunahan.

Facebook Comments