Paglulunsad ng oil at gas exploration sa Recto Bank, iminungkahi ng isang House leader kay PBBM

Nananawagan si House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose Mannix Dalipe kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ikonsidera na ang paglulunsad ng oil at gas exploration sa Recto Bank.

Ayon kay Dalipe, ang Recto Bank ay bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na pinaniniwalaang mas malawak na natural gas deposits kumpara sa Malampaya.

Ito ang nakikitang isa mga solusyon ni Dalipe sa nalalapit ng pagkatuyo o pagkaubos ng suplay mula sa Malampaya na siyang pinagkukunan ng langis na kailangan ng ating power plants sa Luzon.


Paliwanag ni Dalipe, kapag nangyari ito ay mapipilitan tayong umangkat pa ng natural gas at crude oil na mas mataas ang presyo at posibleng magresulta sa pagmahal ng kuryente sa bansa.

Facebook Comments