𝗣𝗔𝗚𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗪𝗜𝗗𝗘, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗙𝗣

Matagumpay na pinasinayaan ng Bureau of Fire Protection Region 1 ang paglulunsad ng Oplan Paalala Iwas Paputok nito lamang unang araw ng Disyembre.
Layunin ng paglulunsad na ito ay upang mas maipaalala ng BFP sa publiko ang ukol sa mga dapat gawin sakaling makaranas ng sunog at kung paano hindi magkaroon ng sunog.
Aktibong nakilahok sa nasabing kaganapan ang mga mag-aaral mula sa Rosales North Central Elementary School at Rosales National High School kung saan binigyang-diin ng BFP ang kanilang dedikasyon sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, partikular sa mga kabataan para sa pagsusulong ng mga hakbang sa kaligtasan ng sunog.

Layon din nito upang sa murang edad pa lang ng mga kabataan ay maihanda na sila sa mga paraan upang maging ligtas sa disgrasyang dulot ng sunog.
Ang “Oplan Paalala Iwas Paputok”, isang komprehensibong programa ng BFP na naglalayong ipalaganap ang mahahalagang impormasyon at itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga hakbang sa kaligtasan ng sunog sa panahon ng kapaskuhan at bagong taon.
Ginanap ang aktibidad sa isang mall sa bayan ng Rosales, Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments