Paglulunsad ng public health information drive, naantala dahil sa pandemya

Aminado ang Malacañang na naantala ang paglulunsad ng bagong public health information drive ng halos isang buwan dahil sa pagtalima ng procurement rules ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, anumang emergency procurement sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1 ay kailangang sumailalim sa proseso.

Tiwala si Roque na ang COVID Info Drive na “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay” ay inaasahang mailulunsad sa lalong madaling panahon.


Bukod dito, dinipensahan ni Roque ang pagpili ng pamahalaan sa StaySafe.ph bilang official tracing application ng bansa.

Ayon kay Roque, walang ginastos ang gobyerno sa naturang contact tracing app at makukuha nila ang mga datos na makokolekta sa programa.

Iginiit ng Palasyo na kailangang sundin ang procurement rules.

Facebook Comments