PAGLULUNSAD NG TEMPORARY NAT’L ID, PINAGHAHANDAAN NA

Naghahanda na ang pamunuan ng Philippines Statistics Authority o PSA sa paglunsad ng Temporary National ID para sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang Physical ID.
Sa panayam kay Provincial Focal Person Christopher Flores, para sa mga in-transit na cards, o sa mga naghihintay na lamang ng kanilang Physical ID, ay maaari na rin silang mag-avail ng Temporary National ID.
Ngunit, mas maigi raw kung hintayin na lamang ang paparating nilang Physical ID.

Sa pag-avail ng nasabing ID ay kailangang maipakita ang PhilSys number para malaman kung maaari na itong iimprinta o hindi pa. Pinayuhan din ang mga tao na icheck ito time to time at ipakita lang sa Bangko Sentral.
Nabanggit din ni Provincial Focal Person Flores na bagamat identification ang pangunahing layunin ng National ID ay posible na itong maging ATM saklaw ang iba’t-ibang security features.
Siniguro ng pamunuan ng PSA na magkapareho ng effectiveness at features ang Physical ID at ang inilulunsad na Temporary National ID.
Samantala, paalala ng PSA na kapag nangyari lamang na nawala ang National ID ay agad na magtungo upang magfile ng Affidavit of Loss para na rin maiwasan ang paggamit ng nawawalang card sa mga maling pamamaraan. | ifmnews
Facebook Comments