Pagluluwag ng mga restriksyon sa NCR, hindi pa napapanahon – WHO

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na hindi pa napapanahon na luwagan ang quarantine restriction sa Metro Manila.

Ayon kay WHO Country Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, hindi pa sapat para luwagan ang quarantine restriction sa Metro Manila kahit bakunado na ang kalahati ng populasyon sa rehiyon.

Aniya, nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 lalo na ang mas nakakahawang Delta variant.


Kailangan din aniyang maging maingat sa pagtugon sa kasakuluyang sitwasyon para hindi maapektuhan ang healthcare system ng bansa.

Una nang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na malapit nang umabot sa 6 milyon ang fully vaccinated na sa Metro Manila.

Katumbas ito ng 60.50 percent ng kabuuang 9.8 milyon na target population sa rehiyon.

Facebook Comments