Welcome para sa Department of Tourism (DOT) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na luwagan ang patakaran para sa fully vaccinated travelers.
Nabatid na inaprubahan ng IATF ang initial phase ng “green lanes” para pahintulutan ang pagpasok ng fully vaccinated travelers sa bansa, kung saan ibinaba na lamang sa pitong araw ang mandatory facility-base quarantine period.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, umaasa sila na mapapalawak pa ito lalo na sa mga indibidwal na fully vaccinated sa ibang bansa.
Kumpiyansa rin si Puyat na ang resulta ng initial phase ay makakatulong na mapaluwag ang domestic travel para sa fully vaccinated individuals.
Sa paraang ito ay unti-unting makakabangon ang industriya ng turismo kasabay ng pagpapasigla muli ng ekonomiya.