Pagluluwag ng quarantine classification sa Metro Manila, nakikita na – MMDA

Nakikita na ang malaking posibilidad na luwagan ang quarantine classification sa Metro Manila mula Alert Level 4 hanggang Alert Level 3.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, kung magpapatuloy ang mga positibong indikasyon na bumababa na ang mga kaso, pagkatapos ng isang linggo o sa Oktubre ay posibleng ibaba na sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Nabatid na batay sa datos ng OCTA Research group, mula sa 1.90 na reproduction number o bilis ng hawaan sa Metro Manila noong August 8 ay bumaba pa ito sa 1.39 nitong September 4 at 1.03 nitong September 22.


Maging ang growth rate sa loob ng isang linggo ay nag-negative na rin.

Magtatagal ang umiiral sa Alert Level 4 sa Metro Manila hanggang sa susunod na Huwebes (September 30).

Facebook Comments