Pagluluwag ng quarantine restrictions, nakadepende sa COVID-19 data ngayong buwan

Hinihintay ng National Task Force against COVID-19 ang resulta ng evaluation ng medical experts noong holiday season at iba pang malalaking events nitong nakaraang linggo bago pagpasyahan ang pagluluwag ng quarantine restrictions.

Ayon kay NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon, sinisilip na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang apela ng Department of Trade and Industry (DTI) na payagan ang mga menor-de-edad na nasa 7-taong gulang pataas na makapasok sa mga malls.

Aalamin kung may epekto ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon at ang Kapistahan ng Itim na Nazareno sa mga datos.


Sinisikap aniya ng IATF na balansehin ang kalusugan at ekonomiya kaya hindi na itinataas sa mas mahigpit na restrictions ang ilang bahagi ng bansa.

Sa testing, sinabi ni Dizon na patuloy na nakakapag-detect ng mas maraming bilang ng COVID-19 infection lalo na sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Facebook Comments