Inihayag ngayon ni vice presidential aspirant at Senator Vicente “Tito” Sotto III sa halip na divorce ay mas makabubuti na luwagan na lamang ang diborsyo sa Pilipinas.
Ayon kay Sotto, maaari naman na huwag masyadong magastos at hindi masyadong matagal ang proseso sa annulment.
Iginiit naman ni Partido Reporma presidential candidate at Senator Panfilo “Ping” Lacson na mas makabubuti naman na huwag ng magpakasal sa ibang bansa dahil kahit na magpa-divorce sila sa ibang bansa ay nananatili pa rin silang kasal sa Pilipinas dahil walang diborsyo sa Pilipinas.
Paliwanag pa ni Lacson na hindi batid ng karamihan na kapag nakapag-Divorce na sa ibang bansa ang mag-asawa wala ng bisa ang kanilang kasal sa Pilipinas na aniya’y maling-mali ang paniniwala ng ibang mga Pilipino.