Hindi pa napapanahon para magluwag at magpakakumpiyansa.
Ito ang pahayag ni UP-OCTA Research Team Fellow Prof. Ranjit Rye matapos na sang-ayunan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na i-require ang pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar maliban sa mga ospital.
Sabi ni Rye, bago magluwag dapat na ikonsidera ng pamahalaan na may mga variants pa ng COVID-19 ang kumakalat sa mundo.
Bukod dito, masyadong atrasado ang pagbabakuna sa bansa kaya hindi pa dapat pinag-uusapan ang pagluluwag sa mga health protocols.
Giit pa ni Rye, dapat na kumonsulta muna sa mga health experts at sumunod sa rekomendasyon ng mga ito.
Facebook Comments