Maaga pa para ikonsidera ang pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.
Sabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr., magsasagawa sila ng hiwalay na pulong kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF) pagkatapos ng weekly Cabinet meeting kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Pero kung titingnan ang kasalukuyang sitwasyon, ipinahiwatig ni Galvez ang pagpabor sa pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ).
Paliwanag ni Galvez, “premature” pa na ibaba sa modified ECQ ang Metro Manila dahil tumataas pa rin ang kaso ng COVID-19.
Muli namang umapela si Galvez sa publiko sa magpabakuna at sumunod pa rin sa minimum health protocols.
Facebook Comments