Pagluluwag sa mga restrictive economic provisions sa Konstitusyon, inaasahang tutuldok sa pangingibang bansa ng mga Pilipino

Malaki ang tiwala ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na ang pagluluwag sa mga economic provisions sa Konstitusyon ay makakapagpahinto sa pagtatrabaho sa ibayong dagat ng mga Pilipino.

Diin ni Garin, maraming Pilipino ang napipilitang umalis sa ating bansa para paglingkuran ang bansang hindi nila kinagisnan at tinitiis na mawalay sa kanilang pamilya.

Sabi ni Garin, ito ay dahil walang oportunidad sa Pilipinas para sila ay magkaroon ng matatag na trabaho na sapat o mataas ang sweldo para mabigyan nila ng maayos na buhay ang kanilang pamilya.


Sa deliberasyon ng Committee of the Whole sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 ay tinanong din ni Garin si CoRRECT Movement Principal Co-founder at dating OFW na si Orion Perez Dumdum kung matutugunan ng economic Charter Change ang limitadong oportunidad sa ating bansa para sa mga Pilipino.

Ayon kay Dumdum, hindi na kakailanganin pang mangibang bansa ng mga Pilipino para magtrabaho kung ang mga dayuhang mamumuhunan na ang papasok sa Pilipinas sa pagluwag ng limitasyong nakasaad sa 1987 Constitution.

Facebook Comments