Pagluluwag sa telco rules sa ilalim ng Konektadong Pinoy Act, nagdudulot ng pagkabahala sa seguridad — think tank

Nababahala ang mga think tank at advocacy group hinggil sa posibleng banta sa pambansang seguridad ng panukalang Konektadong Pinoy Act, bagama’t patuloy itong nakatatanggap ng malawakang suporta.

Kaugnay nito, isinusulong ng financial at trade institutions ang pagpasa sa bill, at sinabing ang pagluluwag sa restrictions sa telecommunications players ng bansa ay susi sa pagsulong ng digital infrastructure at coverage ng Pilipinas.

“While these are objectives that need urgent action, the bill, upon closer scrutiny, threatens to compromise national security, undermine the integrity of the country’s radio frequency spectrum, which is a critical and finite natural resource,” wika ni CitizenWatch co-convenor Orlando Oxales sa kanyang column na naka-posted sa Facebook page ng organisasyon.


Ayon sa CitizenWatch, kapag naaprubahan, aalisin ng SB2699 ang pangangailangan para sa congressional franchise ng telecommunication companies, na magbabawas sa  regulatory powers ng National Telecommunications Commission (NTC) at magreresta sa exploitation ng spectrum allocation ng bansa.

Ayon kay Oxales, mas bubuksan ng bill ang security issues kaysa ang matulungan ang bansa na mapaghusay ang internet reach at speeds nito. Iniugnay ni Oxales ang bill sa pagbubukas sa bansa sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) o online gaming, na nagresulta sa security concerns.

“This concern is not unfounded, given our recent experience with the liberalization of online gaming, which led to various social, economic, and security issues,” dagdag pa ni Oxales.

Nauna rito ay sinabi ni Senadora  Risa Hontiveros na ang ilang POGO operations ay posibleng may kinalaman sa hacking at surveillance ng government websites dahil sa tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea makaraang iulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga serye ng hacking incidents na na-trace mula sa Chinese IP addresses.

Sinabi ng convenor na ang pagbubukas ng telco space ng bansa, at kasabay nito ay ang pagbabawas sa regulatory powers ng NTC ay nakababahala dahil ang mabilis na pagpapahintulot sa mas maraming telco players sa bansa ay mahirap bantayan.

Sinabi rin ni Oxales na ang pagsisikap ng pamahalaan ay dapat nakasentro sa pagpapahusay sa internet connections sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kakayahan ng NTC at pagtiyak na may kasangkapan ito upang pangasiwaan ang umuunlad na telecommunications landscape.

Facebook Comments