Tinawag ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na malala na ang ginawa ng isang tauhan ng Office of Transportation Security (OTS).
Ito ay matapos makuhaan sa CCTV ang aktwal na paglunok ng ninakaw na pera ng isang OTS personnel.
Ayon kay Dela Rosa, kung umabot na sa puntong kinakain ang pera para maitago ang pagnanakaw at hindi mahuli ay sadyang malala na nga ito.
Agad na pinaaaksyunan ng senador sa OTS at sa Department of Transportation (DOTr) ang bagong nadiskubreng modus operandi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi pa ni Dela Rosa na tayo mismo ang nananakit sa ating sariling reputasyon sa international arena lalo na kung ang krimen na ito ay hindi agad matutugunan.
Facebook Comments