Paglusaw o pagsasaayos ng partylist system gustong mangyari ni Pangulong Duterte

Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na posibleng gustong alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang partylist system sa bansa o gusto ng Pangulo na talagang mga mula sa marginalized sector ang kakatawan sa mga partylist sa Kamara.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, posibleng inilalatag lamang ni Pangulong Duterte sa Commission on Elections na kung ano ang mga dapat qualifications ng mga nominees sa partylist.

 

Pero depende parin naman aniya sa Comelec kung tutugon ang ito sa sinasabi ng Pangulo.


 

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga mayayaman lamang ang nakikinabang sa mga party-list na dapat sana ay para sa mga sektor na kanilang inirerepresenta.

Facebook Comments