Paglusaw sa “Kafala” system ng Saudi Arabia, pinuri ng DFA

Pinasalamatan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga nagsulong na ibasura ang ‘Kafala system’ sa Saudi Arabia.

Ang kafala ay isang sistema kung saan nakatali lamang ang isang migrant worker sa isang employer.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., matagal na ipinaglaban ang pagbasura sa kafala at hindi ito naging madali.


Ngayong nilusaw na ang Kafala, pinapayagan na ang mga foreign workers, kabilang ang mga libu-libong OFWs na kumuha ng exit at entry visas, makakuha ng passport exit stamp at pwede na ring maghanap ng ibang trabaho.

Ang naging hakbang ng Saudi Arabia ay umani ng papuri mula sa international organizations at rights advocates.

Facebook Comments