Manila, Philippines – Aasahan pa ng Philippine National Police ang paglutang ng mas marami pang bloke-bloke ng Cocaine sa mga karagatan at at dalampasigan sa Eastern seaboard ng bansa.
Inihayag ito ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac sa harap ng sunud-sunod na pagkakatagpo ng mga bloke ng Cocaine sa mga dalampasigan ng Dinagat Island, Surigao del Sur, Mauban sa Quezon at Camarines Norte na nagkakahalaga ng humigit kumulang kalahating bilyong piso.
Sinabi ni Banac na tinututukan nila ang mga bansang posibleng pinagmumulan ng naturang mga kontrabando tulad ng Mexico, Colombia, China at iba pa.
Hindi rin ini-aalis ng PNP ang posibilidad na may mga middle man na Pilipino sa transaksyon ng mga sindikato ng COCAINE kaya’t ginagamit ang karagatan ng Pilipinas bilang kanilang transhipment point.
Umaapela naman si Banac sa Publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad.