Ikinabahala ng mga residenti ng Sitio Kiblis, Barangay Lomuyon, Kiamba, Sarangani Province ang paglutang ng isang Patay na Oarfish sa kanilang karagatan alas 4:30 ng madaling araw kanina lang.
Marami ang nabahala dahil baka umano may dalang delobyo ang nasabing Oarfish sa kanilang lugar.
Napag-alaman na nakita ng mga mangingisda na palutang lutang ang Oarfish sa nasabing Lugar kaya kanila itong isinakay sa bangka at dinala sa Barangay Poblacion, Kiamba, Sarangani.
Agad na i-ninspection ng mga opisyal nga Buruau of Fisheries and Aquatic Resources ang nasabing isda na may haba na 13 talampakan at 10 pulgada.
Sa ngayon ay hindi pa nalalaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito. Ito ang unang pagkakataon na mayroong natagpuang ganoong isda sa Kiamba Sarangani Province.
Paglutang ng Oarfish sa kiamba, Sarangani, ikinabahala ng publiko
Facebook Comments