Paglutang ng taxi driver na si Tomas Bagcal, inaasahang magiging malaking tulong para malutas ang kaso ng pagkakapatay kay Carl Angelo Arnaiz ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na makikipagtulungan sa mga otoridad ang taxi driver na hinoldap umano ni Carl Angelo Arnaiz na si Tomas Bagcal.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernsto Abella, malaki ang magiging papel ni Bagcal para mabilis na maresolba ang kaso at madetermina kung sino ang pumatay kay Arnaiz

Binigyang diin ni Abella na inaasahan nila na dahil sa paglutang ni Bagcal ay lalabas na ang katotohanan at mapanagot ang sinomang may sala.


Matatandaan na sa press conference ni Bagcal ay sinabi nito na si Arnaiz nga ang humoldap sa kanya pero dinala niya ito sa mga pulis ng buhay at sinabing staged lang ang crime scene kung saan nakita ang bangkay ng binatilyo.

Facebook Comments