Paglutang ni Bikoy, bahagi lang ng black propaganda

Manila, Philippines – Maglalabas ang Malacañang ng “bombshell” information tungkol sa grupong kumokontrol kay Peter Joemel Advincula o ang nagpakilalang alyas Bikoy.

Si Bikoy ang itinuturong nasa likod ng video series na “Ang Totoong Narcolist” na nagdidiin sa pamilya at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – malinaw na si Advincula ay “isinangla” ng isang grupong nais patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte.


Sa oras na maberipikahan, ilalabas nila ang mga dokumento mula sa PNP.

Hindi rin batid ng Palasyo kung may kaugnayan ang grupo sa ilang miyembro ng oposisyon.

Facebook Comments