Pagluwag ng COVID-19 protocols, dapat sabayan ng pinag-ibayong pagbibigay ng booster shots

Inihayag ni Quezon City 2nd District Representative Ralph Tulfo na isang magandang balita at mahusay na hakbang na gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask kahit sa mga indoor o mga kulob na lugar.

Giit ni Tulfo, dapat naman talagang luwagan pa ang COVID safety protocols dahil napag-iiwanan na ang Pilipinas gayong napatunayan nang malakas ang depensa sa COVID ngayong halos 80 million na ang nakatanggap ng primary doses at dumarami pa ang nagpapa-booster shots.

Kaugnay nito ay iginiit ni Tulfo na paramihin pa ang available boosters sa barangay health centers at school clinics sa buong bansa.


Sabi ni Tulfo, ito ay para mabigyan ng boosters update ang mga hindi pa nakakatanggap nito upang mapalakas ang kanilang resistensya kontra sa sakit.

Ayon kay Tulfo, dapat maging masigasig ang mga lokal na mapamahalaan at gawing palaging available ang primary doses at booster shots ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments