Ang pagluwag sa COVID-19 restrictions ang nakikitang dahilan ng Department of Health Center for Health Development Region 1 kung bakit mababa ang bilang ng mga nagpapa booster shot sa Ilocos Region.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay DOH-CHD-1 COVID-19 focal person Dr. Rheuel Bobis, hindi na kasi masyado sinisita aniya at hinihigpitan ang mga hindi bakunado ng booster shot kung kaya’t hindi na inaalintana ng mga kababayan ang magpa booster dose.
Dahil na din aniya nasa alert level 1 ang rehiyon kung kaya’t nakikita at alam ng mga residente na hindi masyadong hahanapin ang booster dose.
Samantala, kahit medyo mababa ang turn-out ng nagpapa-booster sa rehiyon, patuloy naman ang paghikayat at pagpapaalala ng mga kinauukulan at mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan upang tangkilikin ang pagpapabooster shot.| ifmnews
Facebook Comments