Pagluwas sa NCR Plus bubble sa Hunyo, ipinanukala ng DOT sa IATF

Nanawagan ang Department of Tourism (DOT) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang pagbiyahe sa labas ng NCR Plus bubble sa darating na Hunyo.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sa oras na bumaba ang kaso ng COVID-19 at ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR Plus ay posibleng maaprubahan na ang panukala.

Una nang ginawa ang panukala sa NCR Plus kahit pa noong umiiral pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).


Ipinagmalaki naman ni Puyat na hanggang sa ngayon ay wala pang nangyaring outbreak sa mga probinsya na sanhi ng turismo.

Facebook Comments