
Mariing binatikos ni Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah “Eli” San Fernando ang pag-downplay o pagmaliit ng administrasyon sa kasalukuyang krisis sa langis.
Para kay San Fernando, abnormal lang ang naniniwalang normal ang nangyayari ngayon kung saan umaabot na sa ₱110-₱120 ang presyo kada litro ng produktong petrolyo.
Giit ni San Fernando sa pamahalaan, tanggapin na may krisis at tugunan ito para mabigyan ng kapanatagan ang mga manggagawa at ordinaryong Pilipino.
Diin ni San Fernando, kailangang sa gitna ng krisis ay may gobyernong handang gawin ang lahat upang mapawi ang hirap na nararanasan ng ating mga kababayan.
Facebook Comments










