Pagmaliit ni PRRD sa Recto Bank incident, ikinadismaya ni Sen. Hontiveros

256

Manila, Philippines – Ikinadismaya ni Senator Risa Hontiveros ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang maliit na aksidente lang sa karagatan ang pagbangga ng isang Chinese vessel sa Filipino fishing boat sa Recto Bank.

Para kay Hontiveros, ang nabanggit na mensahe ay nagpakita kung ano talagang klase ng Pangulo mayroon tayo.


Ipinunto ni Hontiveros na matapang, mabagsik at palamura si Pangulong Duterte pero maamong tupa ito sa harap ng bansang Tsina.

Dahil dito ay sinabi ni Hontiveros na kawawa naman ang mga mangingisdang Pilipino.

Facebook Comments

From Advertisers