Pagmamadali ng Senado na maipasa ang panukalang ibalik ang ROTC, ikinaalarma ng isang kongresista

Ikinaalarma ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang biglaang pagmamadali ng liderato ng Senado na maipasa ngayong Mayo ang panukalang ibalik ang Mandatory Reserve Officers Training Corps o ROTC sa bansa.

Sa nakikita ni Manuel ay sinamantala ng Senado ang tumitinding tensyon sa West Philippine Sea para mabigyang katwirana ang agarang pag-apruba sa ROTC Bill.

Apela ni Manuel, huwag sanang gamitin ang isyu ng girian ng Tsina at Estados Unidos sa ating karagatan para isagasa ang pagpasa sa Mandatory ROTC.


Ayon kay Manuel, kapag naisakatuparan ito ay tanging Amerika lamang ang makikinabang sa milyun-milyong kabataan na magiging army reserve sakaling madamay ang Pilipinas.

Giit ni Manuel, ang mga kabataang Pilipino ay marapat ihanda sa na magmahal at maglingkod sa bayan at hindi sa gera ng mga dayuhan.

Facebook Comments