Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaki ang kanyang pagmamahal at respeto sa mga kababaihan.
Ito ang tugon ng Pangulo matapos siyang batikusin dahil sa kanyang pagpapayo sa mga babae na lumayo sa mga pari dahil mayroon din ang mga itong sexual desires.
Pero nanindigan ang Pangulo na dapat ding irespeto ang kanyang karapatan sa malayang pamamahayag o right to free expression.
Ayon kay Pangulong Duterte, ilang kababaihan ang nais siyang tanggalan ng karapatang magpahayag kahit pinupuna nila ang kanyang bawat sinasabi.
Hindi aniya patas na akusahan siya ng pagiging misogynist matapos niyang bigyan ng babala ang mga babae na iwasang lumapit sa mga pari.
Binatikos din ng Pangulo ang isang writer na pinuna ang kanyang tila “misogynist” na pahayag.
Nabatid na tinuligsa ng grupong Gabriela ang payo ng Pangulo tungkol sa mga pari.