Nagsagawa ang Jumiaatul Tilmizaat Organization (JTO) ng Notre Dame University ng isang symposium na may temang “Don’t be sad: It’s okay, that’s love”
Ang layunin ng aktibidad na ito ay upang makapagbigay alam sa mga muslim kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal sa Islam.
Nasa animnapung mga kababaihan ang mga lumahok sa symposium . Ito ay naganap noong January 31, 2018,sa Tanghalang Michael Clark (TMC) Nepomuceno Building sa NDU.
Ang naimbitahan taga pagsalita ay si Ustadza Faudzia Ibrahim kung saan nagbigay impormasyon siya patungkol sa mga kababihan ng Islam.
Ang JTO ay isang organisasyon sa Notre Dame University na ang mga miyembro ay puro kababaihan ng Islam na ang layunin ay mapaalaganap ang totoong kahulugan ng relihiyong Islam. (Rahma Chio, NDU BaCom 3)
Pagmamahal sa ISLAM mas pinalakas ng JTO
Facebook Comments