Pagmamahal sa mga halaman, isa sa dahilan kung bakit nabuo ang De Castro’s garden

Sa halagang bente pesos, maaari nang ma-achieve ang pagiging plantito at plantita ngayong karamihan sa atin ay nasa bahay lamang.

Kaya naman sa Interview ng bagong programang Business as Usual, ikinwento ni Venia Albesa, may-ari ng De Castros Garden na kung gusto talaga ng isang tao na mag-alaga ng mga halaman ay maraming paraan.

Nagsimula aniya ang kanilang negosyo noong nakaraang taon kung saan nataon naman na mahilig na talaga silang mag-asawa sa gardening.


Ayon pa kay Albesa, bago nila maisipang magbenta ay ginagawa nila ang pagtatanim dahil sa kanilang pagmamahal sa mga halaman.

Sa ngayon, bukod sa pagiging plantita ay isang guro din sa public school si Albesa.

Facebook Comments