Mahigpit umanong binabantayan ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan ang mga bahagi ng kalsada sa Dagupan City na nasa ilalim pa ng konstruksyon.
Ayon kaya POSO Dagupan Chief Arvin Decano, patuloy ang pagbabantay ng kanilang enforcers sa mga kakalsadahan na NASA ilalim ng konstruksyon dahil sa pagbigat ng daloy ng trapiko rito.
Payo nito sa mga pedestrian at mga motorista na habaan umano sana ang pasensya sa gitna kalsada lalo na sa mga bahagi kung saan mayroon pang konstruksyon.
Sumunod rin umano sa batas trapiko upang maiwasan ang gitgitan sa gitna ng kalsada at iwas abala sa mga komyuter at iba pang bumabyahe lalo na sa rush hour. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









