PAGMAMANDO SA TRAPIKO SA SENTRO NG LINGAYEN, PATULOY NA PINALALAKAS

Patuloy na pinalalakas ang police presence at pagmamando sa trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Lingayen upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at ang maayos na daloy ng trapiko.

Saklaw ng operasyon ang mga bahagi ng Alvear Street kanto ng Artacho Street, Victory Bus Terminal, Solis Street, Common Terminal, Avenida Rizal East Street kanto ng Maramba Boulevard sa Brgy. Poblacion, NRSCC sa Brgy. Maniboc, Brgy. Baay, Basing Outpost at ang Barangay Hall ng Tumbar.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan, makaiwas sa aksidente, at magbigay ng agarang tulong sa mga motorista, partikular sa mga nabanggit na lansangan na madalas binabagtas ng mga motorista.

Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan sa Lingayen ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa mga alituntunin sa trapiko upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments