Pagmamay-ari ng Pilipinas sa WPS, dapat munang kilalanin ng China bago ito payagang makalahok sa oil exploration

Welcome development para kay Senator Risa Hontiveros ang pahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatuloy ang oil exploration sa West Philippine Sea.

Pero giit ni Hontiveros, hindi dapat basta payagan na makalahok dito ang China hangga’t hindi nito kinikilala ang pagmamay-ari ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Hontiveros, dapat din sundin ng China ang 2016 Permanent Arbitration Court ruling na kumikilala sa exclusive sovereign rights ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea.


Ikinatwiran pa ni Hontiveros na ngayong lugmok sa kahirapan ang napakaraming Pilipino dahil sa pandemya ay higit nating dapat protektahan ang mga natitirang yaman natin tulad ng West Philippine Sea.

Paliwanag ni Hontiveros, ang mga ito ay iilan lang sa nagbibigay ng pag-asa na may mapagkukunan pa tayo ng anumang halaga kaya hindi natin dapat hayaan angkinin ng iba ng bansa tulad ng China.

Tinukoy ni Hontiveros ang sinabi ng mga eksperto na posibleng pumangalawa sa Saudi Arabia ang dami ng petrolyo sa West Philippines Sea.

Facebook Comments