Mas pinabilis ngayon ng Metro Rail Transit Line 3 management ang mabilis na proseso sa pagmentina sa mga gulong ng tren.
Gumagana na kasi ngayon ang underfloor wheel lathe machine na natengga ng matagal na panahon mula ng masira noon pang 2014.
Ang underfloor wheel lathe machine ng tren ay ang makinang ginagamit para sa reshaping ng mga gulong ng light rail vehicles (LRVs) ng MRT-3.
In-upgrade na ng Atlas Rail / Pink Armour Corporation ang sistema at mga parte ng makina bilang bahagi ng P70 million contract nito para sa rehabilitasyon ng lathe machine.
Ang pagkasira nito ang dahilan ng mabagal at usad-pagong na pagsasaayos ng mga gulong ng tren.
Kumpara noon, hindi na kailangang baklasin ngayon ang mga gulong ng tren at kaya na nitong pagsabayin ang reshaping ng magkapares na gulong.