PAGMIMINA AT QUARRYING SA IKA-ANIM NA DISTRITO NG PANGASINAN, TINALAKAY

Tinalakay ng Pangasinan Provincial Mining Regulatory Board ang ilang isyu sa usaping pagmimina at quarrying sa lalawigan.

Kabilang dito ang monitoring sa compliance ng mga korporasyon sa itinakdang regulasyon, pangangasiwa sa mga small-scale mining, pagsusuri sa mga pending application sa pagmimina at rehabilitasyon sa mga naminang lugar.

Iginiit ang responsibilidad sa batas na kaakibat ng operasyon ng pagmimina at quarrying upang mabalanse ang pag-unlad at pangangalaga sa kalikasan.

Inaasahan din ang wastong pamamahala sa yamang-mineral ng Pangasinan katuwang ang iba pang ahensya at ng mga lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments