Pagmimina sa Nueva Vizcaya, malapit nang ipagbawal

65

Tuluyan nang ipagbabawal ang pagmimina sa lalawigan ng Nueva Vizcaya sa oras na maging ganap na batas ang panukalang ito.

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8951 kung saan idinedeklara ang Nueva Vizcaya bilang mining-free zone kaya anumang uri ng mining operations o aktibidad ay mahigpit na ipagbabawal.


Sa kabilang banda ay exempted dito ang mga umiiral na valid contracts, exploration, permits, licenses, technical agreements at mineral production na nasa ilalim ng Philippine Mining Act of 1995 kung saan papayagan pa ang pagmimina hanggang sa mag-expire o ma-terminate na ito.

Kapag naisabatas ay hindi na mag-iissue ng bagong exploration permits ang gobyerno o iba pang agreements sa lalawigan habang imo-monitor at ire-review ng DENR ang mga umiiral pang quarry permits na iginawad ng provincial governor.

Kakanselahin naman ang small-scale mining contracts kapag naging epektibo na ang batas at bibigyan ng isang taon ang mga contractors para magsagawa ng rehabilitasyon, reforestation at regeneration sa mga mineralized areas.

Ang sinumang lalabag dito ay makukulong mula 6 na buwan hanggang 12 taon at pagmumultahin ng hindi bababa sa P10 milyon.

Facebook Comments

From Advertisers