Pagmolestiya sa 4 na guro sa Camarines Sur, kinondena ng CHR

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pag-aabuso ng isang naka-bonnet na lalaki na armado ng baril sa 4 na guro sa loob ng eskwelahan sa munisipalidad ng Ocampo, sa Camarines Sur noong a-otso ng Agosto.

Una nang kumilos ang Department of Education (DepEd) na inatasan ang Philippine National Police (PNP) na agad resolbahin ang naturang kaso.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naghahanda para sa pagbubukas ng klase ang mga gurop nang pasukin sila ng naka-bonnet na lalake na armado ng baril.


Tinutukan ng baril ang mga guro at dinala ng suspek sa CR at doon sapilitang pinaghubad ng kanilang mga damit.

Ayon kay CHR Executive Director, Atty. Jacqueline Ann de Guia, dapat tugisin at papanagutin ng mga awtoridad ang suspek upang hindi na maulit pa ang insidente.

Ani De Guia, nakaka-kilabot na nangyayari ang ganitong gender-based violence sa loob mismo ng mga paaralan na dapat sana ay isang ligtas na kanlungan ng nag-aaral at mga tagapag-turo.

Sa ngayon ay nagpadala na ng mga gender Ombudsman ang CHR Region 5 para tulungan ang mga naabusong mga guro.

Facebook Comments