Manila, Philippines – Hindi na ito-tow ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa ncr maging sa mga alternatibong ruta at express routes na konektado sa EDSA.
Sa halip, papatawan na lang ng multa ang mga may-ari ng sasakyan.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia – pinuputakte na kasi ng reklamo ang kanilang tanggapan dahil sa kaso ng mga mapang-abusong towing firm.
Ang hakbang na ito ay para protektahan na rin ng MMDA ang mga tauhan nito.
Samantala, sa ilalim ng bagong panuntunan, P200 ang ipapataw para sa mga lalabag sa illegal parking habang P150 sa mga lalabas sa traffic signs at obstruction.
Facebook Comments