Pagmumura ni Pangulong Duterte sa kaniyang talk to the nation, unbecoming – political analyst

Masyado nang nagiging hindi pormal si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mga tirada tuwing nagsasalita ito sa publiko.

Ito ang inihayag ng isang political analyst na si University of the Philippines Professor Clarita Carlos matapos ang Talk to the Nation Address ng Pangulo kahapon kung saan binanatan nito sina Senator Richard Gordon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Carlos na bagama’t una pa lamang ay alam na ng publiko ang ugali ng Pangulo ay hindi naman ito tama lalo na’t siya ang pinuno ng bansa.


Umaasa naman si Carlos na may patutunguhan ang imbestigasyon ng senado sa paggamit ng pondo ng iba’t ibang ahensiya.

Matatandaang kahapon ay binatikos ng pangulo si Gordon dahil sa ginagawang imbesigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa sinasabing overpriced na pagbili ng face masks ng Department of Health.

Facebook Comments