Pagmungkahi sa People’s Initiative para sa ABS-CBN Franchise, Dadaan sa Mabusising Proseso

ABS-CBN headquarters in Quezon City on February 14, 2020. Photo by Jire Carreon/Rappler

Cauayan City, Isabela- Mahaba-habang panahon ang kakailanganin kung mangyayari ang iminumungkahing ‘people’s initiative’ para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Randy Arreola, Board Member ng 3rd District ng Isabela, maraming proseso ang pagdadaanan dito lalo na sa tanggapan ng COMELEC bilang naatasan ng batas na pangasiwaan ang pagsasagawa ng isang initiative o referendum.

Sa naturang hakbang na isinusulong ng ilang private lawyer’s para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, bago isumite ang petisyon sa COMELEC, kinakailangan munang mangalap ng signature o lagda ng 10 porsiyento ng registered voters sa buong bansa at bawat distrito ay dapat kinakatawan ng 3 porsiyento ng mga rehistradong botante.


Ayon kay Atty. Arreola, nasa 6 milyon ang kakailanganin na lagda ng taumbayan para sa petisyon na ibeberipika ng COMELEC.

Sakaling matapos ang pagkumpirma sa mga lagda ng taumbayan ay saka lamang ilalathala ang petisyon at magkakaroon na ng reperendum sa bansa para malaman kung pabor ba ang mamamayan na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Dagdag dito, sasagutin naman ng gobyerno ang gastos para sa naturang mungkahi.

Facebook Comments