
Idinulog ng Department of Migrant Workers (DMW) sa International Labour Organization (ILO) at sa mga labor ministers ang isinusulong na pag-upskill para sa Filipino domestic workers sa Gulf region.
Nakipagpulong si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa labor ministers ng Kingdom of Saudi Arabia, Armenia, Bhutan, Djibouti, Egypt, Maldives, Mauritius, Oman, Pakistan, South Africa, Switzerland, at Sri Lanka.
Tinalakay rin sa pulong ang pagpapalakas ng proteksyon para sa mga manggagawang Pilipino sa naturang mga bansa.
Kasama rin sa agenda ang pagpapaigting ng recruitment systems upang matiyak ang proteksyon ng mga Pinoy workers.
Sa kasalukuyan, nananatiling pangunahing destinasyon ang Saudi Arabia para sa mga Filipino workers.
Facebook Comments










